Entertainment at its Best

Pagtakas daw sa salimuot ng buhay ang panonood ng teleserye / telesine / sineserye / fantaserye at kung ano-ano pang tele- at -serye. Totoo naman. Nar'yang isantabi muna ang problema sa pagbabayad ng kuryente, sa kung ano ang ihahanda sa mesa kinabukasan, sa political killing, sa bulok na sistema ng pamahalan, etc. etc.
Paminsan-minsan, hindi masama ang mag-ala Houdini. Lalo na kung binibigyan ka ng mga palabas sa telebisyon ng mga sumusunod na dialogue:
(Ang mga sumusunod na linya ay hango sa Bituing Walang Ningning sa ABS-CBN. Si Barbara [Amy Austria] ay ang scheming na nanay ni Lavina [Angelika dela Cruz] na isang sikat na singer na threatened sa pagsikat ni Dorina [Sarah Geronimo]. )
Barbara: Lavinia, anak, ano’ng gusto mo?
Lavinia: Ano'ng gusto ko? Kung ano'ng gusto 'nyo. Para masaya kayong lahat!
(Ang gusto ng ABS ay kung ano'ng gusto nating viewers para masaya tayong lahat)
---------
Lavinia: Nagustuhan? Sinira mo ang kanta, Binaboy mo. Baliw lang ang nagsasabing isinilang na ang aking karibal. You'll never make it. Hindi ka singer, Dorina. Wala kang kalulugaran sa mundong ito. Isa kang carbon copy, malabong version ng original. You're fake. You're nothing but a second-rate, trying hard, copycat!
(Sa'n ka makakarinig ng ganitong linya? Onli in the Pilipins!)
--------
Lavinia: Sinusunod ko lang naman ang emosyon ko, ah!
Barbara: Sinusunod mo ang emosyon mo?!? Gaga ka talaga! Dapat kinokontrol mo, yun ang dapat lagi mong ginagawa!! Hindi mo dapat pinapakita sa mga tao, walang dapat nakaka-alam, kung ano ang iniisip mo, kung anong nararamdaman mo, dahil siguradong hindi ka nila magugustuhan oras na malaman nila kung ano ang tunay mong kulay!!
(Ouch! Kung nanay mo na ang nagsabing hindi maganda ang iyong tunay kulay...)
--------
Dorina: Siya, at hindi ako, ang basura! Pero hindi niya ako matatakot. Lalabanan ko siya. Hindi dahil sa yun ang gusto niyo... Lalabanan ko siya dahil hinamon niya ako ng ganito. Kaya pumapayag na ako na ilaban ninyo ako kay Lavinia. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang ningning ng kanyang bituin.
(Again, very Sampaguita Picture [o mas LVN?] mode ang linyang ito.)
Entertainment at its best!
http://www.youtube.com/watch?v=a9GCppprQSw

0 Comments:
Post a Comment
<< Home